Umamin ang suspendidong First District Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) - Bulacan na inaprubahan niya ang P55.7 milyong "ghost" flood-control project sa Baliwag, Bulacan nang hindi niya bineripika muna kung ito ay totoo.
(Larawan ng Kongreso)
Sa mga resibong iniharap sa pagdinig ng House Infrastructure Committee tungkol sa mga anomalya sa flood control projects kahapon, Setyembre 2, 2025, lumabas na milyon-milyong piso ang naibayad sa SYMS Construction Trading kahit na walang nagawang proyekto.
Inamin ni Alcantara na kakulangan niya ang hindi pagtiyak muna kung naitayo ang proyekto.
Sinabi nitong nagdepende siya sa mga dokumento at larawang isinumite ng kanyang mga tauhan sa halip na personal na inspeksyunin ang proyekto na kinakailangan sa ilalim ng regulasyon ng DPWH.
Inamin din ni Alcantara na sinertipikahan niyang kumpleto ang iba pang kontrobersyal na proyekto kasama na ang P94.6 na milyong river protection structure na itinayo ng St. Timothy Construction at ang P74.6 milyon na mitigation structure na ginawa maman ng Wawao Builders.
Ang dalawang ito ay personal ininspeksyon at idineklarang substandard ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Umamin din si Alcantara na naglalaro sa casino ng dalawa hanggang tatlong beses isang buwan gamit ang isang pekeng identification card.
Bawal sa mga empleyado ng gobyerno na magsugal sa mga casino.
Subalit itinanggi niyang natalo siya ng P2 hanggang P4 na milyong piso kung hindi P100,000 lamang.
Suspendidong Opisyal ng DPWH-Bulacan, Umaming Inaprubahan ang P55.7 Milyong "Ghost" Flood Control Projects na Aniya ay Hindi Niya Nainspeksyon; Kasama Rin sa Kanyang Inaprubahan ang Substandard Projects ng St. Timothy Construction ng Mga Discaya at Wawao Builders | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
