Isang minor phreatomagmatic eruption ang naganap sa Taal Volcano Main Crater kagabi ng alas 8:27, Hulyo 12, 2026.

News Image #1

(Larawan ng Phivolcs)

Tumagal ito ng tatlong minuto base sa seismic, infrasound, at visual observations ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Lumikha ito ng abo at usok na umabot sa 1, 200 metro mula sa ibabaw ng bunganga ng bulkan bago nagtungo sa hilaga silangan.

Ang thermal images ay mula sa West Rim (VTWR) at Daang Kastila (VTDK) Observation Stations sa Taal Volcano Island.

Nanatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.