Itinaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 19 para sa mga flight na ibi-book mula April 16 hanggang April 30, 2026.

Ayon sa CAB, ang nasabing level ay maaaring magresulta sa dagdag na singil na:
• Hanggang ₱1,834 para sa domestic flights
• Hanggang ₱15,397.15 para sa international flights

Ito ay kabilang sa pinakamataas na fuel surcharge levels na ipinatupad, bagamat mas mababa pa rin sa pinahihintulutang maximum na Level 20.

Samantala, ilang international carriers, kabilang ang United Airlines, ay nagpatupad ng adjustments sa kanilang airfare kasunod ng patuloy na pagtaas ng fuel costs sa pandaigdigang merkado. Epektibo hanggang April 30, 2026.

Mga larawan kuha ng Taguig.com