Tuwing Linggo ay isasara na sa mga motorista ang Cayetano Boulevard at C-5 Service Road sa Taguig City mula alas 5:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.
Ito ay upang bigyan ng espasyo ang Car-Free Streets ng Taguig upantg malayang makapaglaro, makapagbisikleta, makapag-zumba at makapag-jogging at maglakad ang mga Taguigeño bilang bahagi ng kampanya ng Pamahalaang Lungsod para sa mas malusog at aktibong pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Ang Taguig Car-Free Streets tuwing Linggo ng umaga ay inilunsad kahapon, Marso 16, 2025, sa pangunguna ng Taguig Mobility Office (TMO).
Upang mas lalong mahikayat ang mga mamamayan na magbisikleta, may libreng bike lessons at pagmamantina ng bisikleta.
Namahagi naman ang City Agriculture Office ng libreng mga punla at gabay sa pagtatanim upang mahikayat naman ang mga mamamayan na magtanim sa kanilang bakuran.
Pinasalamatan ng mga mamamayan ng Taguig ang pagpapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Car-Free Streets tuwing Linggo ng umaga upang mas malaya silang makagamit ng daan at mabawasan din ang polusyon ng mga sasakyan sa lugar.
(Mga larawan ng Taguig PIO)
Taguig Car-Free Sundays: Walang Sasakyang Padadaanin sa Cayetano Boulevard at C5-Service Road Tuwing Linggo, Alas 5:00 Hanggang Alas 9:00 ng Umaga | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
