Pang-lima ang Taguig City sa pinakamayamang siyudad sa Pilipinas, ayon sa Commission on Audit (COA) annual financial report para sa 2022.

News Image #1


Ang Taguig ay may assets na nagkakahalaga ng P40.84 bilyon.

News Image #2


Ang Quezon City naman ang may pinakamalaking pag-aari sa lahat ng mga siyudad sa buong mundo makaraang maitala ang assets nito sa P443.3 bilyon noong nakaraang taon.

Ang Cebu naman ang pinakamayamang lalawigan na may assets na P235.7 bilyon, at ang Carmona sa Cavite ang pinakamayamang munisipalidad dahil may assets itong nagkakahalaga ng P6.5 bilyon. Ang Carmona ay naging siyudad nito lamang Hulyo 2023.

Sa naturan pa ring annual financial report on local governments ng COA, inilahad na ang Makati City ang ikalawang pinakamayamang siyudad dahil sa assets nitong nagkakahalaga ng P239.4 billion, samantalang ang lalawigan ng Rizal ang ikalawang pinakamayamang probinsiya dahil ito ay may assets na P35.5 bilyon. Ang Limay naman sa Bataan ang ikalawang pinakamayamang munisipalidad sa assets nitong P5.7 bilyon.

Narito ang kumpletong listahan ng mga pinakamayamang lugar sa Pilipinas at ang halaga ng kanilang assets.

Batay sa annual financial report ng COA, ang sampung pinakamayamang siyudad sa bansa ay ang:
1. Quezon City - P443.406 billion
2. Makati City - P239.478 billion
3. Manila - P77.506 billion
4. Pasig City - P52.152 billion
5. Taguig City - P40.840 billion
6. Mandaue City - P34.231 billion
7. Cebu City - P30.545 billion
8. Mandaluyong City - P32.550 billion
9. Davao City - P29.701 billion
10. Parañaque City - P27.376 billion

Ang pinakamayamang mga lalawigan ay ang
1. Cebu - P235.738 billion
2. Rizal - P35.595 billion
3. Batangas - P31.999 billion
4. Davao de Oro - P23.108 billion
5. Ilocos Sur - P21.562 billion
6. Bukidnon - P21.058 billion
7. Iloilo - P19.977 billion
8. Negros Occidental - P19.419 billion
9. Cavite - P19.342 billion
10. Pampanga - P19.127 billion

At ang pinakamayamang munisipalidad ay ang:
1. Carmona, Cavite - P6.523 billion
2. Limay, Bataan - P5.792 billion
3. Silang, Cavite - P4.454 billion
4. Caluya, Antique - P3.822 billion
5. Cabugao, Ilocos Sur - P3.806 billion
6. Cainta, Rizal - P3.767 billion
7. Taytay, Rizal - P3.671 billion
8. Claver, Surigao del Norte - P3.568 billion
9. Binangonan, Rizal - P3.490 billion
10. Sta. Maria, Ilocos Sur - P3.268 billion