Ang Taguig Pet Caravan ay nasa Holy Family Village Covered Court sa Holy Family Street Barangay Bagumbayan, Taguig City ngayong Hunyo 3, 2026, alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

News Image #1


Eksklusibo ang serbisyong ito ngayong Miyerkules sa mga may alagang aso at pusa sa Barangay Bagumbayan.

Libre ang mga sumusunod:
• Pet Deworming
• Anti-rabies vaccination
• Pet tagging with microchip
• Pet Consultation
• Vitamin shots at gamot
• Kapon - 100 slots.

Maaaring mag-walk-in para sa mga serbisyong ito. Ang mauunang darating ang una ring pagsisilbihan.

News Image #2


Kailangan lamang na ang fur parent ay may katunayan na siya ay residente ng Taguig tulad ng valid ID na may address sa Taguig.

Dalhin din ang pinakahuling anti-rabies vaccination card ng alaga, kulungan o tali para sa alaga, basahan at tissue paper kasama ang plastic bag para sa dumi o ihi ng alaga, at dapat na naka-diaper ang alaga. Ang mga agresibong alaga ay dapat na may busal.

Para sa magpapa-deworming:
• Dapat malusog ang alagang aso at pusa
• May edad na 2 linggo pataas ang alaga

Sa magpapasaksak ng anti-rabies vaccine:
• Dapat malusog at walang sakit ang aso at pusa
• May edad na 3 buwan pataas
• Kung babae ang alaga, hindi dapat naglalandi, hindi dapat buntis at hindi nagpapasuso
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw

Para sa ikakapon na pusa:
• Isang pusa sa bawat fur parent.
• Dapat may gulang na 6 na buwan pataas at may timbang na 3 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso o naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon

Para naman sa ikakapon na aso:
• Isang alaga sa bawat fur parent.
• Dapat may gulang na 6 na buwan pataas at may timbang na 4 kilos pataas
• Hindi dapat buntis, nagpapasuso o naglalandi ang babae
• Dapat malusog at hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo
• Walang kinagat na tao sa nakalipas na 14 araw
• Dapat nag-fasting o ayuno ng 6-8 oras bago ikapon

Narito ang link ng mapa papunta sa lugar ng Pet Caravan https://maps.app.goo.gl/191JNGaNuwATePgu5

Ang Office of the City Veterinarian ng Taguig ay maaari ring puntahan sa punong tanggapan nito sa:
#4 Model House
C6 Road, Purok 1
New Lower Bicutan

SATELLITE OFFICE
#16 Cadena de Amor St.
Pembo, Taguig City.

FB: https://www.facebook.com/ocv013
(Photos by the Office of the City Veterinarian of Taguig)