Tinanggal sa puwesto ang isang pulis-Taguig na inireklamo ng magulang ng isang 8 taong gulang na batang babaeng hiningan nito ng halik at hinaplos-haplos ang mukha.
(Larawan ng SPD)
Sinabi ng Southern Police District (SPD) sa isang pahayag na makaraang malaman nila ang insidente, agad nilang inalis sa puwesto ang pulis upang matiyak na magiging pantay at masusi ang imbestigasyon sa kaso nito.
Sinimulan na rin ang isang administrative investigation laban sa pulis upang madetermina kung nalabad nito ang mga panuntunan ng Philippine National Police.
Sinampahan na rin ang pulis ng kaukulang criminal complaint.
"The Southern Police District continues to coordinate with the victim's family and remains committed to extending the necessary assistance within its mandate while ensuring that the rights of all parties are respected," ang pahayag ng. SPD.
Tiniyak din ni Police Brigadier General Glenn Oliver Cinco, District Director ng SPD na hindi kukunsintihin ang anumang masamang asal, pang-aabuso at pagdisrespeto sa karapatan at dognodad ng isang tao, lalo na sa mga bata.
Kasabay nito, nakiusap ang publiko sa SPD na hayaang gumulong ang hustisya. Tinitiyak din ng SPD na magiging patas sa lahat.
Taguig Policeman na may Kasong Harrassment sa 8 Taong Gulang na Bata, Tinanggal Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
