Ngayong Miyerkules, Enero 22, 2025, inaanyayahan ang mga senior citizens na edad 80, 85, 90, 95 at 100 years old ng Taguig City na magpa-validate na upang patunayan ang inyong edad para makakuha ng karagdagang cash gift mula sa pambansang pamahalaan bukod pa sa congratulatory letter mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga aabot sa 100 sa kanilang kaarawan.

News Image #1




Maaaring magtungo ang mga Taguigeño at Taguigeña senior citizens na may edad na nabanggit (at kakayanin pang personal na magtungo) sa Taguig Center for the Elderly sa Ipil ipil Street, North Signal Taguig City hanggang ngayong alas 4:00 ng hapon.

Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of Republic Act 11982, magbibigay ang pamahalaan ng 10,000 pesos kapag umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95. Ito ay bukod pa sa cash gift na ibinibigay ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga seniors na umabot sa ganitong edad.

Isandaang libong piso naman ang ibibigay sa sumapit sa edad na 100 sa kanilang kaarawan bukod pa sa congratulatory letter mul sa Pangulo ng Pilipinas.

Ito rin ay bukod pa sa ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ₱100, 000.

Narito ang mga pamamaraan upang makapagpalista:

STEP 1: I-download ang application form mula sa www.ncsc.gov.ph at sagutan ito. Puwede ring kumuha ng application form mula sa opisina ng OSCA Taguig.

STEP 2: I-handa ang mga sumusunod na dokumento:
a. Application form
b. Orihinal at photocopy ng isa sa mga PRIMARY DOCUMENTS:
• Birth certificate mula sa PSA
• National ID card
c. 2 x 2 ID picture
d. Full body picture ng benepisaryo na naka-print sa A4 size na bond paper o photo paper
e. Endorsement letter mula sa City/ Municipal mayor kung saan nakatira ang beneficiary

STEP 3: Kung walang PRIMARY DOCUMENTS puwedeng magpasa ng dalawang (2) SECONDARY DOCUMENTS:

PARA SA MGA NANINIRAHAN SA PILIPINAS:
• Philippine Passport
• Certificate of Late Registration or Birth (Original, issued/authenticated by PSA)
• Senior Citizens' ID, issued by OSCA
• LTO-Issued Driver's license
• GSIS or SSS ID
• PRC License
• Philippine Postal ID
• COMELEC Voter's ID (na nagpapakita ng Filipino citizenship at taon ng kapanganakan)
• National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Certification
• National Commission on Muslm Filipinos (NCMF) Certification
• Certificate of Live Birth ng panganay na anak
• Certlicate of Marriage
• Joint Affidavit ng 2 disinterested persons na may personal na kilala ang beneficiary
• School o employment records
• Certicate or Membership mula sa retirement at pension insurance

PARA SA MGA NANINIRAHAN SA IBANG BANSA:
• Citizen Retention and Reacquisition Certificate and Identification Certificate
• Order of Approval
• Oath of Allegiance
• Order of Attestation mula sa Philippine Embassy, Philippine Consulate General o DFA
• Overseas Voting Card o Affidavit
• Foreign Drivers License
• Medical o health card

STEP 4: I-submit ang application form at mga kinakailangang dokumento sa OSCA Taguig.

Para sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, i-submit ang mga dokumento sa Phil. Embassy, Phil. Consulate General, Department of Migrant Workers o Commission on Filipinos Overseas

PAANO ANG MGA KATUTUBO NA WALANG BIRTH CERTIFICATE MULA SA PSA?
Isubmit ang mga sumusunod na dokumento:
• Original certificate mula inisyu ng National Commission on Indigenous People (NCIP) na nagpapatotoo sa edad o mga pangyayari tungkol sa aplikante
• Late registration ay kailangan gawin bayay sa JMC No. 2021-01 na inisyu ng PSA o The Revised Guidelines for Delayed Birth Registration of Birth

PAANO ANG MGA MUSLIM NA WALANG BIRTH CERTIFICATE MULA SA PSA)
I-submit ang mga sumusunod na dokumento:
• Original certificate na inisyu ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na nagpapatotoo sa edad o mga pangyayari tungkol sa aplikante
• Late registration ay kailangan gawin bayay sa JMC No. 2021-01 na inisyu ng PSA o The Revised Guidelines for Delayed Birth Registration of Birth

MAHALAGANG PAALALA:
• Dapat i-submit ang mga requirements apat (4) hanggang anim (6) na buwan bago sa kaarawan ng claimant
• Kung hindi puwedeng mag-apply ang mismong beneficiary, puwede ang representative. Magdala lang ng Special Power of Attorney na pirmado ng beneficiary.

PARA SA KARAGDAGANG KAALAMAN:
Makipag-ugnayan sa:

OFFICE OF THE SENIOR CITIZENS AFFAIR (OSCA)
Ground Flr. R. Papa Bldg, Taguig City Hall Gen. Luna St. Brgy Tuktukan, Taguig City
• Mobile: 0969 212 9400
• Email: [email protected]
• Facebook: https://www.facebook.com/OSCATAGUIGOFFICIAL/