Hindi lamang sa siyensiya at matematika magaling ang mga estudyante ng Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School sa Taguig kung hindi maging sa sining din.

News Image #1


Ang Teatro Compañero-Cayetano SciTech Theater Club ay nagwagi ng dalawang unang gantimpala bilang grupo at isang Best Performer award para sa isa nitong estudyante sa International Science Drama Competition 2023 na isinagawa sa Bangkok, Thailand.

News Image #2


Ang kanilang short film na pinamagatang "Unseen" ay nagkamit ng unang gantimpala sa Short Film Category. Kabilang sa mga estudyanteng gumawa ng pelikula sina Wenriz Lorell Nad, Sharlene Mae Capilitan, Kian Santos, Roxynne Zyrra Lozada, Hyuga Palmes, Earl Jan Adam Santillan, Maria Victoria Margaret Tungala, Jeliasha, Kate Masayda, Avril Patricio, Vince Kristan Arcilla, Charles Navidad at Christopher Keith Bernido.

Nagkamit din ng unang gantimpala sa Open Category ang pelikulang "Tick...Tick...Snap..." na ginawa naman nina Charisse Macapagal, Christopher Keith Bernido, Keren Mae Rivera, Yhiezy Gwyneth Alamar, Lycah Mae Torres, Angelo Justine Zaraspe, Yeriel Gyan Pallada, Bong Jr. Zaraspe, Lindsey Santos, Zelden Mailliard Garay, Mia Juliana Managuelod, Marvey Cabarles, Avril Patricio, Wenriz Lorell Nad at Vince Kristan Arcilla.

Itinanghal namang Outstanding Performer sa Open Category si Keren Mae Rivera.

News Image #3


Ang nagsanay at tagapayo ng
Teatro Compañero-Cayetano SciTech Theater Club ay si Judd Lawrence D. Guy-Joco.

News Image #4


Ang taunang kaganapang ito ay nagsusulong ng siyensya sa pamamagitan ng drama.

Ang tema ng kaganapan ngayong taon ay "Producing Green, Consuming Clean."
Nilalayon nitong hikayatin ang mga kabataan na maisatinig nila ang mga isyu ng "sustainability" o abilidad na mapanatili ang yamang likas at iba pang pangangailangan sa mundo sa pamamagitan ng sining at siyensiya.

Lubhang nasiyahan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa nakamit ng mga estudyante ng Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School at sinabing ipinagmamalaki ng Probinsyudad ng Taguig ang kanilang nakamit sa international competition.

(Photos by Teatro Compañero and Avril Patricio)