Isang unit ng residential na gusali ang nasunog ng alas 6:18, Disyembre 5, sa Barangay Ususan, Taguig City.

News Image #1


Maagap na rumesponde ang mga pamatay sunog sa Unit 407 Building 14 MRB Barangay Ususan dahilan upang hindi na kumalat pa ang apoy.

News Image #2


Ayon sa ulat ng Agarang Responders ng Barangay Pinagsama Fire and Rescue Team, electrical problem ang dahilan ng sunog.

News Image #3


Napatay ng tuluyan ang apoy bandang alas 6:46 ng gabi.

(Photos by Barangay Pinagsama)