Target ng dating senador at pinakamayaman sa bansa na si Manuel "Manny Villar" na magtayo ng isang bagong central business district na sampung beses na mas malaki sa Bonifacio Global City.
Ang 3,500 ektaryang lupain na pinangalanang Villar City ay nasasakupan ng 15 siyudad na kinabibilangan ng Taguig, Las Pinas, Paranaque, Muntinlupa, Bacoor, Dasmarinas, Imus, San Pedro, General Mariano Alvarez, Silang, General Trias, Tanza, Trece Martires, Carmona, at Tagaytay.
Nakadisenyo ang Villar City upang maging sentro ng kabuhayan at pamumuhay sa Metro Manila, ayon kay Villar. (Tingnan ang panukalang disenyo sa Villar City)
Kamakailan lamang ay pormal nang binuksan ang 6.2 kilometrong daan na siyang magiging pangunahing daanan ng pinaka-ambisyosong proyekto ni Villar. Sinabi ng business tycoon na ang pagbubukas ng Villar Road ay isang pagpapatunay ng kanilang maigting na pagnanais na maitulak ang progreso sa mas marami pang lugar sa katimugang bahagi ng Metro Manila at Cavite at Laguna.
Ang sampung lane na daan ay magsisimula sa kanto ng kapehan ni Villar sa Daang Hari Road hanggang sa UTown na nakakonekta naman sa University District ng Dasmarinas City.
Maglalagay rin ng lane na para lamang sa mga bus o bus rapid transit. Gayundin, ang sidewalk nito na may 7.9 metro ang lapad ay lalagyan ng mga pine trees at biking lane.
Sinabi ni Villar na walang magiging sagabal sa kalsada ng Villar City dahil lahat ng mga kable ay ilalagay sa ilalim ng daan.
Inaasahang ang daan ang makakatulong para mabawasan ang haba ng biyahe mula Las Piñas hanggang sa bahagi ng Bacoor at Dasmariñas sa Cavite.
Nais ni Villar na maiugnay ang Metro Manila at Cavite habang lumilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad.
(Photos by Vista Land)
Villar City, 10 Beses na Malaki sa BGC | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
