"Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas."

News Image #1

(Screenshot mula sa livestream ng Office of the Vice President)

Ito ang inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pagharap sa media, na naka-livestream sa kanyang opisyal na social media page na Inday Sara Duterte, mula sa Office of the Vice President sa Mandaluyong City kanina, Pebrero 18, 2026.

Ang maagang pag-anunsyo ni Duterte sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2028 ay sinabayan nito ng pagbatikos sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

"Sa unang mga buwan palang ng aming termino, nakita ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr., sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan," ang pahayag ni Duterte.

Sinabi rin ni Duterte ang pangamba kaugnay ng maaga niyang deklarasyon ng pagtakbo sa 2028 ay hindi na pinagtutuunan ng pansin.

"Madalas iniiwasan ng mga politiko ang maagang paghayag ng kanilang mga plano upang hindi sila maging target ng pag atake, ngunit matagal nang sinira ng administrasyong ito ang pangalan ko," ang pahayag ng Bise Presidente.

May 3 bagong impeachment complaints na isinampa laban kay Duterte sa Kamara de Representantes kamakaklan, makaraang ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang 2025 articles of impeachments dahil sa paglabag nito sa isang taong pagbabawal sa sunod-sunod na pagsasampa ng impeachment complaint batay sa Saligang Batas.