Sinuspinde ng Malakanyang ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pribado, ngayong araw na ito, Setyembre a uno, sa Metro Manila at sa mga probinsiya sa Hilagang Luzon na apektado ng Bagyong Goring, Bagyong Hanna at ng habagat.
Suspendido rin ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon dahil sa masamang panahon na nagdudulot ng matinding pagbabaha at landslide.
Bagaman at ang pumasok na Bagyong Hanna ay hindi tatama sa lupa, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, patuloy pa ring babagsak ang malakas na ulan dulot ng habagat.
Dalawa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, ang super typhoon na Saola na dating bagyong Goring at ang severe tropical storm na Kirogi ang nagpapalakas pang lalo sa habagat.
Ang bagyong Hanna naman ay kikilos patungong kanluran hilagang kanluran at lalabas sa Pilipinas sa Setyembre 2 ng umaga o hapon.
Dahil naman sa patuloy na paghila ng mga bagyo sa habagat, magpapatuloy ang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon hanggang sa Setyembre 3, Linggo.
Sinabi naman ng pamahalaang lungsod ng Taguig City na handa sila sa mga magiging epekto ng patuloy na pag-ulan, Nag-ooperate ang Taguig Pumping Station sa Barangay Wawa, ang Hagonoy Pumping Station at ang Labasan Pumping Station sa Barangay Ibayo Tipas. Nakahanda rin anumang oras ang kanilang mga evacuation centers.
(Photos by Malacanang, Pagasa and Taguig PIO)
Walang Pasok Ngayong Setyembre 1 at Update sa Bagyo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
