Walang patawad ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot makaraang magtangkang magbenta ng hinihinalang shabu noong Biyernes Santo ng gabi sa MLQ Street Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Ang hindi nila sukat akalain, mga alagad pala ng batas ang kanilang pinagbebentahan ng droga, dahilan upang mahuli ang dalawang kalalakihang matagal nang tinutugaygayan at nakumpiska pa sa mga ito ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Naaresto sa buy-bust operation sina Sojod Peteros Kamendan Jr. na kilala rin sa alyas na 'Sojod', 20 taong gulang at walang trabaho, at si Mando Saban Hadjisidik, 22 taong gulang at food delivery rider.

News Image #2


Ang dalawang suspek ay nakuhanan ng 6 na heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na ang timbang ay 305 gramo at tinatayang ang presyo ay nasa
Php2,074,000.00; isang tunay na P1, 000 perang papel at 69 na piraso ng P1, 000 boodle money.

Ang mga suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Mobile Patrol Unit (MPU) at Sub-station 9 (SS9) ng Taguig City Police Station noong Marso 29, 2024, alas 9:20 ng gabi.

Sasampahan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act or 2002.
Complaints for violation of

Pinapurihan ni National Capital Region Police Director Major General Jose Melencio Nartatez, Jr. ang pagpupursigi ng kapulisan kahit na ang lahat ay abala sa Mahal na Araw.

"I commend our police officers in the field who continuously exert efforts and for their vigilance to perform their duty even during these days of Lenten Season, " ang pahayag ni Nartatez.

(Larawan mula sa Taguig Police)