Walumpung teams ng mga estudyante sa elementarya mula sa iba't ibang panig ng mundo ang naglaban-laban sa VEX Robotics World Championship sa Kay Bailey Hutchison Convention Center sa Dallas, Texas,

News Image #1


Kabilang dito ang mga representante ng Pilipinas na nagmula sa West Rembo Elementary School sa Taguig City na sina Zyric Abines, Cassandra Elyze Cruz, Rio Dames, at Andrew Lejarso.




Pumarada ang apat na estudyante sa isinagawang Parade of Countries sa pagbubukas ng kumpetisyon para sa elementary level noong Mayo 1, 2024.

Lumaban naman ang mga ito sa Math competition kahapon, Mayo 2. Sa pinakahuling ulat na nakalap ng Taguig.com kay Coach Richard Abines, ang Philippine team ay nasa pang-limampu't isang puwesto sa walumpung teams.

Sa pagbubukas ng kumpetisyon, hinikayat ni Dan Mantz, CEO ng Robotics Education and Competition Foundation ang mga kalahok na ipagpatuloy ang paghamon sa kanilang mga sarili upang mas maging "creative, innovative at dedicated."

"Remember, you are learning far more than simply how to program a robot. You are learning how to think, how to communicate ideas, how to test ideas, how to overcome challenges, hopefully how to listen and how to work as a team even if you're with people that you don't really like," ang pahayag ni Mantz sa kanyang talumpati.



Sinabi naman ni Bob Mimlitch, co-founder ng Vex Robotics, na ang kumpetisyon na ito ay higit pa sa robots.

"It's about innovation, it's about perseverance, it's about a community. We provide a global stage for the students to showcase incredible feats of engineering that you all built," ang pahayag naman naman ni Mimlitch.




Samantala, ginawaran ng pagkilala bilang 2024 STEM Hero Awardee si Dr. Elle Whitney, co-founder ng Grace Hopper Celebration, dahil sa kanyang pagbubuklod buklod sa mga kababaihang nasa computing sector upang mas lalo pang mapalakas ang teknolohiya sa hanay ng mga kababaihan.

Ang Vex Robotics World Championship ay magtatapos sa Mayo 3, 2024.